Posts

SA BAKWIT ISKUL

Image
  Sa Bakwit Iskul Ni Ferdinand Balino Mula sa Ang Bayabas sa Tagaytay at iba pang Kuwento mula sa Kabataan ng Paaralang Lumad, Sentro ng Wikang Filipino, UP_Diliman 1. Suriin ang sumusunod:   a. Pamagat Sa Bakwit Iskul b. Pangunahing Tauhan  Paking Hanya d. Suliranin Bagyo e. Iba pang element  Ipinapakita sa kuwento kung paano pinapalakas ng dalawang batang lumad ang loob nila habang patuloy ang buhos ng bayo. Ang bagyo ay wala lang kumpara sa kung ano ang pinagdaanan nila sa kanilang lugar at kung paano ang pakikitungo ng mga tao sa mga lumad. c. Tagpuan Bakwit Iskul  2. Ano-ano ang pagbabagong naganap sa kapaligiran at kultura ng pangunahing tauhan sa kuwento? Nang bumagsak ang bagyo ay siya ring paglabas ng takot na emosyon ng tauhan na si Hanya. Ngunit ipinaalala sa kaniya ni Apking ang mga pinagdaanan ng kanilang tribu sa kanilang lugar sa bundok na mas malala pa at kung paano itrato ang kanilang tribu ng iba pang tao na hindi naging rason upang sumuko sila...

ANG PAGIGING BAKLA AY PAGKABAYUBAY RIN SA KRUS NG KALBARYO

Image
  Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo   ni Rolando A. Bernales  Mula sa antolohiyang Taguan: Dalawang Dekada ng Pagsusulat at Pagkamulat 1. Ipaliwanag ang pamagat ng tula. Bak-it gayon ang sinabi ng may-akda sa pamagat? Masasabing ang pagiging bakla ay pagkabayubay rin ssa krus ng kalbaryo dahil sa ating lipunan ang pagiging bakla ay simbolo ng pagiging makasalanan. Hindi lingid sa ating kaalaman na ang dalawa lamang na kasarian ang ginawa ng diyos sa ating mga tao. Ang pagiging bakla ay hindi pa lubosang tanggap sa ating kasalokuyang lipunan, at patuloy pa rin tumatanggap ng diskriminasyon at hindi pagbigay ng pantay na oportunidad.  2. Sino ang sinabi sa tulang ibat- ibang mukha? ano ang ginawa nila? Bata, matanda, lalaki, babae, ina, ama, anak o kapatid,mayaman o mahirap, kakilala o    'di-kakilala sila ang tinutukoy sa tula na iba't-ibang tula. Sila ang mga taong hindi tinatanggap ang mga bakla sa lipunan. Ang ibig sabihin lamang ...

SANAYAN LANG ANG PAGPATAY

Image
SANAYAN LANG ANG PAGPATAY  Ni Fr. Albert Alejo, SJ Gabay sa Pagsusuri  1. Sino ang personang nagsasalita sa tula? Ano ang kanyang sinasabi? Ang persona na nagsasalitan sa tula ay si Fr. Albert Alejo. Isinasalamin nito ang karahasan sa ating lipunan sa pamamagitan ng pag pag paslang sa butiki na sumasalamin sa pag paslang sa tao sa tunay na nangyayari sa lipunan. 2 Anong hayop ang pinapaslang sa tula? Paano ito naihahalintulad sa pagpaslang tao? Ang hayop na pinapaslang sa tula ay butiki. Maihahalintulad natin ito sa pagpaslang ng tao dahil gaya ng butiki ang mga taong pinapaslang ay mga walang kalaban-laban. 3. Ano ang ibig sabihin ng huling taludtud ng tula?   " Habang ako'y pumapatay, kayo nama'y nanonood"  Pinapahiwatig nito ang pagiging bulag bulagan ng mga tao sa maling ginagawa ng tao na nasa kanilang paligid. Kahit na alam na nating mali ay wala tayong lakas ng loob upang itama ito gaya nalamang ng pag patay ng tao. Ito ang isang dahilan kung bakit patuloy pa ...

ISKWATER

Image
  ISKWATER   ni Luis G. Asuncion 1) ANO ANG SENTRAL NA PAKSA NG SANAYSAY? Ang paksa ng binsanang salaysay ay ang buhay sa iskwaters area at ang kanilang karanasan sa mga mayayamang kapitbahay. 2) MAYROON BANG PAKSA NA DI TUWIRANG TINALAKAY SA TEKSTO? MAG BIGAY NG HALIMBAWA. Mga di tuwirang tinalakay sa teksto ito ay ang mga; • sabi'y nahihiya siya sa lugar na kinagitirikan ng kaniya bahay. •Nangako ang gobyerno na kapag na demolis kami ay may nakahanda kaming malikipatang lupa sa parte ng Payatas. 3) ANO ANG LAYUNIN NG MAY AKDA SA PAGTALAKAY NG PAKSA? IPALINWANAG. Ang layunin ng may-akda sa pagtalakay ng paksa ay ikuwento sa mga mambabasa ang siywasyon sa pagtira sa iskwater. Iminomulat ang mga mambabasa na hindi lahat ng nakatira sa iskwater ay ninais na tumira rito. Sadyang wala na silang iba pang magagawa kundi tumira sa lupang di nila pagmamay-ari sa kadahilanang hirap sa buhay. 4) ANO-ANONG MGA IDEYA ANG SINASANGAYUNAN MO SA SANAYSAY? BAKIT? ANO-ANONG MGA IDEYA ANG HINDI ...

SEBELLINO, ROLIANNE KATE G.

  1. Basahin at suriin ang mensahe ng tulang “Isang Dipang Langit” ni Amado V. Hernandez. - Suriin kung anong uri ng tula? Anong Teoryang pampanitikan ang angkop gamitin sa pagsusuri? Ang teoryang pagsusuri na angkop na gamitin sa akdang ito ay ang teoryang Bayograpikal. Dahil ang akdang "Isang Dipang Langit" ni Amando V. Hernandez ay patungkol sa kaniyang karanasan habang siya ay nasa bilangguan. Ito ay base sa totoong nangyare sa buhay ni Amado V. Hernandez kung kaya ang teoryang Bayograpikal ang angkop na gagamiting pagsuri sa akdang ito.  - Anong taglay na diwa/tema ang inilalarawan ng persona sa tula. Ang persona ng akda ay naglalarawan kung gaano ka dilim at kahirap ang naranasan niya at sa kabila ng lahat ng ito ay meron pa rin siyang pag asa. Ang persona ay mariing pinakita na may pananalig pa rin itong malalampasan niya ang pagsubok na kinakaharap sa buhay.  - Piliin ang pinakamagandang saknong na iyong nagustuhan at bigyan kung bakit mo ito napili. "Ang tao’t B...