SANAYAN LANG ANG PAGPATAY

SANAYAN LANG ANG PAGPATAY

 Ni Fr. Albert Alejo, SJ







Gabay sa Pagsusuri


 1. Sino ang personang nagsasalita sa tula? Ano ang kanyang sinasabi?


Ang persona na nagsasalitan sa tula ay si Fr. Albert Alejo. Isinasalamin nito ang karahasan sa ating lipunan sa pamamagitan ng pag pag paslang sa butiki na sumasalamin sa pag paslang sa tao sa tunay na nangyayari sa lipunan.



2 Anong hayop ang pinapaslang sa tula? Paano ito naihahalintulad sa pagpaslang tao?


Ang hayop na pinapaslang sa tula ay butiki. Maihahalintulad natin ito sa pagpaslang ng tao dahil gaya ng butiki ang mga taong pinapaslang ay mga walang kalaban-laban.


3. Ano ang ibig sabihin ng huling taludtud ng tula?

 

" Habang ako'y pumapatay, kayo nama'y nanonood" 


Pinapahiwatig nito ang pagiging bulag bulagan ng mga tao sa maling ginagawa ng tao na nasa kanilang paligid. Kahit na alam na nating mali ay wala tayong lakas ng loob upang itama ito gaya nalamang ng pag patay ng tao. Ito ang isang dahilan kung bakit patuloy pa rin ang pagpaslang ng mga tao sa kapwa tao.


4. Kanino iniaalay ng may-akda ang tula? Sino-sino kaya sila?


Inaaalay ang tula sa mamayan ng lipunan 

bilang pagtanda ng karahasan sa loob ng ating lipunan. Sinasalamin ng kaniyang paglalarawan sa tula na kung gaano kaharas ang ating bayan. Iniaalay niya ito sa mga mamamayan upang malaman natin ang mga dapat at hindi dapat na gawain. Ito ay nagsisilbi ring paghasa sa ating kaisipan at mabuksan ang ating mga mata sa kung ano na ang nangyayari sa ating bayan.



Mungkahing gawain 


1. Magsaliksik tungkol sa partikular na kaso ng pagpaslang sa panahon ng kasalukuyang administrasyon. Matapos ay gumawa ng maikling reaksyong papel hinggil sa kasong nasaliksik.


Ang kasong aking nasaliksik ay ang kaso ng Maguad Siblings na pinatay mismo sa loob ng kanilang tahanan sa M'lang mga araw bago ang pasko.


18 na taong gulang na si Crizzlle Gwynn Maguad at ang kaniyang 16 na taong gulang na lalakeng kapatid ay pinatay mismo sa loob ng kanilang tahana habang wala ang kanilang mga magulang. Ang nakaligtas na ampon ng pamilya ay umamin ring sangkot ito sa pagpatay at patuloy pa rin ang kaso hanggang sa ngayon. 


Sa kasong ito ay ipanapakita ng pag gamit ng mga suspect sa kanilang pribelehiyo na pagiging minors sa panahon ng kanilang pagpatay sa Maguad Siblings. Sila ay pinoprotektahan ng DSWD hanggang ngayon kung kayat kahit na nasa legal nang edad ang suspect ay pinoprotektahan pa rin ito ng dswd. Hindi ko maisip kung gaano na ang pagluluksa ng mga magulang ng magkapatid dagdag pa rito na alam nilang ang mga taong naging dahilan ng pagkawala ng kanilang anak ay pinoprotektahan ng mismong batas na dapat ay magbibigay sa kanila ng hustisiya. 


2. Nakasusulat ng sariling akdang pampanitikang tumatalakay sa iba’t ibang isyu ukol sa karapatang pantao;


"Matagal na proseso sa mga kaso"


Bilang isang mamayan ng bayan nating Pilipinas ay mayroon tayong karapatan bilang isang tao. Kung kaya't dapat ay gamitin natin ito ng tama at huwag abusohin. Isa sa isyu patungkol sa karapatang pantao ay ang matagal na proseso sa mga kaso. Kasong inaabot ng ilang taon at minsan ay binabasura at kinakalimutan nalamang. 


3.  Mapahahalagahan ang dinamikong ugnayan ng panlipunang realidad at ng panitikan.


Ang panitikan ang nag lalahad ng mga kaisipan, damdamin, mga karanasan at maging hangarin ng tao. Sa panamagitan ng dinamikong ugnayan ay mas nakukuha ang atensyon ng mga tao. Naipapahayag ang tunay na nangyayari sa loob ng ating lipunan. Kung ano ang masa mahalaga at ang tama at mali.

Comments

Popular posts from this blog

SA BAKWIT ISKUL

ANG PAGIGING BAKLA AY PAGKABAYUBAY RIN SA KRUS NG KALBARYO