ANG PAGIGING BAKLA AY PAGKABAYUBAY RIN SA KRUS NG KALBARYO
Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo
Mula sa antolohiyang Taguan: Dalawang Dekada ng Pagsusulat at Pagkamulat
1. Ipaliwanag ang pamagat ng tula. Bak-it gayon ang sinabi ng may-akda sa pamagat?
Masasabing ang pagiging bakla ay pagkabayubay rin ssa krus ng kalbaryo dahil sa ating lipunan ang pagiging bakla ay simbolo ng pagiging makasalanan. Hindi lingid sa ating kaalaman na ang dalawa lamang na kasarian ang ginawa ng diyos sa ating mga tao. Ang pagiging bakla ay hindi pa lubosang tanggap sa ating kasalokuyang lipunan, at patuloy pa rin tumatanggap ng diskriminasyon at hindi pagbigay ng pantay na oportunidad.
2. Sino ang sinabi sa tulang ibat- ibang mukha? ano ang ginawa nila?
Bata, matanda, lalaki, babae, ina, ama, anak o kapatid,mayaman o mahirap, kakilala o 'di-kakilala sila ang tinutukoy sa tula na iba't-ibang tula. Sila ang mga taong hindi tinatanggap ang mga bakla sa lipunan. Ang ibig sabihin lamang nito ay kahit na sino ay huhusgahan ka sa iyong identidad. Sa kabilang banda ay hindi ka makakapanlaban dahil ito ang itinuturo sa loob ng bahay pati a rin sa loob ng simbahan.
3. Tukuyin ang mga sinasabi sa tulang likong kultura’t tradisyon at bulok na paniniwala.
Ang pagiging bakla hindi tanggap sa lipunan kung kaya kung ikaw ay isang bakla ay itinuturing ka nang makasalanan. Kahit na mabuti ka at marangal ay hindi nila ito makikita dahil sa utak ng mga mamayan sa lipunan ay nagkasala ka na. Ito ay likong kultura't tradisyon at bulok na paniniwala dahil bilang isang tao at bilang isang tunay na anak ng diyos ay dapat meron tayong respeto sa isa't-isa at hindi dapat hinuhusgahan ang kapwa tao o kapwa mananampalataya sa Diyos.

Comments
Post a Comment