SA BAKWIT ISKUL

 Sa Bakwit Iskul

Ni Ferdinand Balino

Mula sa Ang Bayabas sa Tagaytay at iba pang Kuwento mula sa Kabataan ng Paaralang Lumad, Sentro ng Wikang Filipino, UP_Diliman



1. Suriin ang sumusunod: 


a. Pamagat

Sa Bakwit Iskul


b. Pangunahing Tauhan 

Paking

Hanya

d. Suliranin

Bagyo


e. Iba pang element 

Ipinapakita sa kuwento kung paano pinapalakas ng dalawang batang lumad ang loob nila habang patuloy ang buhos ng bayo. Ang bagyo ay wala lang kumpara sa kung ano ang pinagdaanan nila sa kanilang lugar at kung paano ang pakikitungo ng mga tao sa mga lumad.


c. Tagpuan

Bakwit Iskul 


2. Ano-ano ang pagbabagong naganap sa kapaligiran at kultura ng pangunahing tauhan sa kuwento?


Nang bumagsak ang bagyo ay siya ring paglabas ng takot na emosyon ng tauhan na si Hanya. Ngunit ipinaalala sa kaniya ni Apking ang mga pinagdaanan ng kanilang tribu sa kanilang lugar sa bundok na mas malala pa at kung paano itrato ang kanilang tribu ng iba pang tao na hindi naging rason upang sumuko sila noon. 


3. Ano-ano ang mga karahasang naranasan ng mga Lumad ayon sa Kwento?


Ang mga karahasang naranasan ng Lumad ayon sa kuwento ay pinatay ang kanilang mga ka-lahi. Pinalayas sa kanilang lupang ninuno. Ipanagkait sa kanila ang kanilang karapatang makapag-aral sa pamanagitan ng pagsara ng kanilang mga paaralan at tinatakot ang kanilang mga titser. 


4. Ano ang kahalagahan ng pangalan ng pangunahing tauhan sa mundo ng mga Lumad ayon sa kuwento?

Ang pangalan ng pangunahin tauhan sa kuwento ay Paking na siyang hinango sa pangalan ng mandirimang nakipaglaban para sa katutubong Lumad. Namatay ito dahil sa prinsipyo't pakikibaka kung kaya ay ito ang nagsisilbing inspirasyon ng mga tauhan at ng mga Lumad, nais nilang ipagpatuloy ang kaniyang ipinaglaban. 


5. Paano pinatapang ng mga pangyayaring kanilang naranasan ang mga tauhan sa kuwento?


Nang dahil sa mga naranasan nila sa nakaraan ay pinapatatag ng mga ito ang loob ng mga tauhan sa kuwento. Sa pagharap nila ng mga problema ay inaalala nilang mas matindi pa ang kanilang pinagdaanan dati ay nalagpasan nila ito kung kaya paano pa kaya sa mga mas maliit na problemang kanilang kahaharapin. 


6. Paano nahubog ng paaralang Lumad ang mga pangunahing tauhan?


Nang dahil sa paaralan ay na buksan ang mga mata ng pangunahing tauhan sa katotohanan at kung ano ang nangyayari sa paligid niya.


7. Ano-ano ang isyung tinalakay sa kuwentong Sa Bakwit Iskul? Ipaliwanag ang

bawat isa.


Isyung Edukasyon. Kung saan ipinagkakait sa mga katutubong lumad ang karapatang makapag-aral. Pinasasara ang kanilang mga paaralan at ti atakot ang kanilang mga guro.


Isyung pangkalikasan. Nang dahil sa mga usik na ibinuboga ng mga sasakyan na nagdudulot ng polusyon. Inakala nung una ng mga pangunahing tauhan na ito ay ulap lamang ngunit kalaunan ay napagtanto nila ito na tinatawag na SMOG.


Isyung pangkatutubo. Ang karahasan sa mga katutubong lumad ay naipakita sa kuwento na kung saan isinaad nb mga tauhan ang karahasan na naranasan nila. 


8. Magbigay ng iba pang Pilipinong namatay bunga ng paninindigan sa prinsipyo at paglaban sa mali sa kasaysayan ng Pilipinas. Ilarawan ang napili at isalaysay ang kanyang nagawa.


ANDRES BONIFACIO.

Siya ay isang Pilipinong rebolusyonaryo at bayani na nagtatag ng Kataastaasan Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) o Katipunan, isang lihim na lipunan na nakatuon sa pakikipaglaban sa mga Espanyol na sumakop sa Pilipinas. 

Iniutos ang pagbaril kay Bonifacio kasáma ang kaniyang kapatid na laláking si Procopio Bonifacionoong 10 Mayo 1897 malapit sa Bundok Nagpatong


9. Ano ang prinsipyo? Ano ang kahalagahan nito? Ipaliwanag.


Maaring ipakahulugan ang prinsipyo bilang isang uri ng pananaw ng isang indibiduwal ayon sa kanyang sariling paniniwala. Ito ang basehan ng tama at mali o opinyon lalo na sa mga bagay na hindi pa naiisa-batas. Mayroong pansariling prinsipyo sa prinsipyo pang-kultura na maaring sumangayon o sumalangat sa bawat isa. Ang kultura ay isang sistemang panlipunan na mayroong mga katulad na prinsipyo o pinapahalagaan, na pinapahintulot ang mga inaasahan sa pakikipag-kapwa at sama-samang pagkaunawa sa kung ano ang mabuti, maganda at nakakatulong.


10. Paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal sa inyong kapwa at bayan?


Maipapakita ko ang aking pagmamahal sa kapwa sa pamamagitan ng pag bigay ko ng respeto sa kanila. Igagalang ko ang pagkakaiba iba ng aming kultura at paniniwala. Mag kaiba man kami ay dapat ay respetohin nati ang bawat isa, sa paraang ito maipapakita na rin natin ang pagmamahal natin sa bayan dahil tayong mga kapwa pilipino ay ang mismong bayan ng ating bansa.


11.  Magbigay ng mga karapatan ng kabataan ang nalabag sa kuwento? Ipaliwanag.


Karapatang makapag-aral. Ang karapatan ng mga kabataan ay nalabag sa kuwento na kung saan ay tinaggalan sila ng karapatan nang pinaalis sila sa kanilang paaralan at tinakot ang kanilang mga guro. Bilang isang katutubo na naninirahan sa bundok ang ganitong pangyayari ay isang hakbang upang mapagkaitan ang mga bata sa edukasyon.

Comments

Popular posts from this blog

ANG PAGIGING BAKLA AY PAGKABAYUBAY RIN SA KRUS NG KALBARYO