SEBELLINO, ROLIANNE KATE G.

 1. Basahin at suriin ang mensahe ng tulang “Isang Dipang Langit” ni Amado V. Hernandez.


- Suriin kung anong uri ng tula? Anong Teoryang pampanitikan ang angkop gamitin sa pagsusuri?


Ang teoryang pagsusuri na angkop na gamitin sa akdang ito ay ang teoryang Bayograpikal. Dahil ang akdang "Isang Dipang Langit" ni Amando V. Hernandez ay patungkol sa kaniyang karanasan habang siya ay nasa bilangguan. Ito ay base sa totoong nangyare sa buhay ni Amado V. Hernandez kung kaya ang teoryang Bayograpikal ang angkop na gagamiting pagsuri sa akdang ito. 



- Anong taglay na diwa/tema ang inilalarawan ng persona sa tula.


Ang persona ng akda ay naglalarawan kung gaano ka dilim at kahirap ang naranasan niya at sa kabila ng lahat ng ito ay meron pa rin siyang pag asa. Ang persona ay mariing pinakita na may pananalig pa rin itong malalampasan niya ang pagsubok na kinakaharap sa buhay. 


- Piliin ang pinakamagandang saknong na iyong nagustuhan at bigyan kung

bakit mo ito napili.


"Ang tao’t Bathala ay di natutulog

 at di habang araw ang api ay api, tanang paniniil ay may pagtutuos, habang may Bastilya’y may bayang gaganti."


Pinaparating ng ikasampung saknong na ang Bathala ay hindi natutulog. Dito ay sinasabing gising ang Diyos at may kamalayan sa nangayayari sa bawat isa sa atin. Alam niya ang bawat paghihirap at pagsubok na ating kinakaharap sa araw araw. Sa linyang 'Di habang araw ang api ay api', ito ay nagpapahiwatig na ang paghihirap ay hindi rin magtatagal sa buhay ng isang tao.  


2. Ipakilala ninyo sa akin si Amado V. Hernandez sa loob ng 50 na salita.


Si Amado V.  Hernandez (13 Setyembre 1903 – 24 Marso 1970) ay isang makata at manunulat sa wikang Tagalog. Kilala rin siya bilang .Manunulat ng mga manggagawa sapagkat isa siyang pinuno ng mga Pilipinong manggagawa at sa kaniyang mga pagpuna at pagsusuri sa mga kawalan ng katarungang naganap sa Pilipinas noong kaniyang kapanahunan. Nakulong siya dahil sa pakikipagugnayan niya sa mga kilusang makakomunista. Siya ang punong tauhan sa isang bukod-tanging kasong panghukuman na tumagal ng 13 taon bago nagwakas. 



3. Gawing maikling kuwento ang tulang “Isang Dipang Langit” ni Amado Hernandez.

- Ang maikling kuwento ay halaw sa Isang Dipang Langit.


Si Amado ay isang batang lalake na maliwanag ang kinabukasan. Siya ay matalino at mahusay sa pasusulat. Punong puno ng kasiyahan ay maliwanag ang buhay niya. Ngunit hindi inaasahan na isang araw ay pagbibintangan siya sa salang hindi naman niya ginawa. Kung kaya't ito ang naging dahilan upang siya ay makulong sa bilangguan. Sa loob ng bilangguan, Si Amado ay naghirap. Ang buhay niyang maliwanag ay naging madilim. Puro paghihirap na lamang ang kaniyang nararanasan. Ngunit, hindi nawalan ng pag asa si Amado. May tiwala pa rin siyang ang kaniyang paghihirap ay matatapos rin na ang diyos ay buhay at alam ang kaniyang paghihirap. Nang makalaya ito ay naging inspirasyon niya ang kaniyang naranasan sa loob ng bilangguan. Dito ay umosbong ang kaniyang pagiging kilala bilang mahusay na manunulat. Hindi nagpatalo si Amado sa hamon ng buhay, ito ay naging inspirasyon.

Comments

Popular posts from this blog

SA BAKWIT ISKUL

ANG PAGIGING BAKLA AY PAGKABAYUBAY RIN SA KRUS NG KALBARYO