ISKWATER

 ISKWATER 

ni Luis G. Asuncion



1) ANO ANG SENTRAL NA PAKSA NG SANAYSAY?


Ang paksa ng binsanang salaysay ay ang buhay sa iskwaters area at ang kanilang karanasan sa mga mayayamang kapitbahay.


2) MAYROON BANG PAKSA NA DI TUWIRANG TINALAKAY SA TEKSTO? MAG BIGAY NG HALIMBAWA.


Mga di tuwirang tinalakay sa teksto ito ay ang mga;

• sabi'y nahihiya siya sa lugar na kinagitirikan ng kaniya bahay.

•Nangako ang gobyerno na kapag na demolis kami ay may nakahanda kaming malikipatang lupa sa parte ng Payatas.


3) ANO ANG LAYUNIN NG MAY AKDA SA PAGTALAKAY NG PAKSA? IPALINWANAG.


Ang layunin ng may-akda sa pagtalakay ng paksa ay ikuwento sa mga mambabasa ang siywasyon sa pagtira sa iskwater. Iminomulat ang mga mambabasa na hindi lahat ng nakatira sa iskwater ay ninais na tumira rito. Sadyang wala na silang iba pang magagawa kundi tumira sa lupang di nila pagmamay-ari sa kadahilanang hirap sa buhay.



4) ANO-ANONG MGA IDEYA ANG SINASANGAYUNAN MO SA SANAYSAY? BAKIT? ANO-ANONG MGA IDEYA ANG HINDI MO SINASANGAYUNAN SA SALAYSAY? BAKIT?


Ang mga ideyang aking sinasangayunan ay;


  • Pakikipagoaban na hindi dumanak ang dugo- Naniniwala akong hindi solusyon ang dahas sa problema.
  • Kung may pera lamang sana kami upang makaalis na sa lugar na ito ay matagal na naming ginawa- Naniniwala akong hindi naman ginusto ng mga nakatira sa iskwater ang kanilang kalagayan, sadyang hirap lang talaga sa buhay at kailangan nilang tumira sa lupang hindi naman sa kanila.


Ang mga ideyang hindi ko sinasangayunan;


  • Sabi ko sa sarili ko na ipinanganak akong mahirap ay mamamatay akong mahirap. - Mayroon tayong magagawa upang makaalis sa kasalukuyang sitwasyon. Kailangan lamang natin ang kasipagan at diskarte upang makaahon sa buhay. Dahil marami ang oportunidad sa ating buhay kung nagawa ng iba ay magagawa rin ng lahat.


5) PAANO KA NAKAKAUGNAY SA KAISIPANG NAKALAHAD SA TEKSTO?


Nauugnay ko ang aking sarili sa teksto sapagkat bilang isang mamamayan ay bukas ang aking mga mata sa pagkakaiba ng trato ng bayan sa mga mahihirap at sa mga mayayaman. Hindi natin ito maitatanggi na mas prayoridad sa bayan ang mga mayayaman kung kaya hindi ito patas sa mga kapos palad. Ito rin ang isang dahilan kung bakit ang mga mahihirap ay mas lalong maghihirap at ang mga mayayaman ay mas lalong yayaman.


6) GAANO KAHALAGA ANG PAGTALAKAY NG SANAYSAY SA KONSEPTO NG ISKWATER? 



Para sa akin nilinaw ng tekstong ito ang pagtingin ko sa mga nakatira sa iskwater na hindi nila ginustong manirahan sa lupang hindi naman sa kanila. Nang dahil sa hirap sa buhay ay wala silang ibang matitirhan kundi ay dito na lamang.


7) PAANO MAIUUGNAY SA TEKSTO ANG REALIDAD SA KASALUKUYAN?


Masasalamin sa teksto ang buhay sa ating bayan. Imbes na magsumikap tayo upang makaahon sa buhay ay nag-aantay lamang tayo sa kung ano ang maibibigay sa ating ng gobyerno. Dahil dito ay hindi pa rin natin makakamit ang pagbabago sa ating buhay maging sa lipunan. Dapat ay maging madiskarte at masipag tayo at huwag humanap ng kamalian ng gobyerno dahil sa bandang huli tayo mismo ang may desisyon sa ating buhay. 



Concept Map ng salitang Iskwater:




Comments

Popular posts from this blog

SA BAKWIT ISKUL

ANG PAGIGING BAKLA AY PAGKABAYUBAY RIN SA KRUS NG KALBARYO